Buhok ni Makiling
Kay gandang pagmasdan
Talulot ng ating kagubatan
Berdeng kakahuyan,
At kung anu anung kahayupan
Doon sa makiling ako ay isang dayuhan
Isip ko ay pumayapa ng aking napagmasdan
Kay gagandang kababaihan
Na nagtatampisawan sa may dalampasigan
Puso ko’y bumogso
Mata ko’y lumulukso
Di ako namboboso
Isa lamang hamak na usyoso
Aking di makayanan mga nasaksihan
Di makapaniwala sa sobrang kasariwaan
Mga kadalagahan sa may dalampasigan
Para palang si Eba ng di pa makasalanan
Oh ito ba ay isang paraiso
O panaginip na isa lamang piraso
Upang mapatunayan kung ito ay hindi biro
Lalabas ako’t sa kanilay nakipag-patintero
At parang isang bigla ako ay tumingala
Naroon na ako’t parang may himala
Kitang kita ko ang naglalakihang tilapya
Wala akong masabi kundi o-yah oya
Bigla kung kinuha ang aking telepono
Ninais ko sanang gumawa ng eskandalo
Aking naalala hindi ako luko luko
At hindi iyon gawain ng makataong tulad ko
Sa Bundok ng Makiling
Ako ay napailing
Madami rin pala roon gumigiling giling
Sa Buhok ni Makiling
Doon ako humalinghing
Diko na namalayang ang Teleponong nag riring